Sheila Guo – OK na matapos ma-wheel chair

Kinumpirma ni Department of Justice Spokesperson Mico Clavano na maayos na ang kondisyon ni Sheila Guo matapos makaramdam ng hilo sa NAIA Terminal 1 kahapon.

Maalalang namataan ang kapatid ni Guo na nakasakay sa wheelchair habang ine-escort ng security palabas ng paliparan.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Saad ni Clavano, maaring dahil sa kakulangan ng oxygen at space ang sanhi ng kanyang pagkahilo, matapos siyang dumugin ng media.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Parehong dinala sina Guo at Cassandra Li Ong sa Bureau of Immigration para sa medical examination at inquest proceeding.

Sa ngayon, kasalukuyang mananatili sa kustodiya ng NBI ang dalawa.