Nangyaring sunog sa Robinson’s Mall sa Palawan, posibleng sinadya – BFP

Posibleng sinadya ang nangyari sunog sa Department Store ng Robinson’s Mall sa Puerto Princesa City bandang alas-sais kagabi, ika-21 ng Agosto 2024 ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay SFO1 Eugene Paul Manuel ang tagapagsalita ng City Fire Department, wala silang nakikitang posibleng pinagmulan ng apoy sa lugar dahil wala rin naman electrical wirings doon.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Aniya, bago ang pangyayari mayroon umanong kahina-hinalang lalaki ang umiikot roon at hindi nagpapa-assist sa mga dicer.

Dahil dito, nagsasagawa na ang BFP ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng apoy at kung sino ang posibleng may gawa nito.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Mababatid nang mabalot ng usok ang Mall nang biglang masunog ang ilang naka-display na item sa Department Store ngunit mabilis naman ito naapula ng mga guwardiya doon.