Palaisipan ngayon sa mga residente ng isang bayan sa Aklan ang nangyari sa alagang baboy ng isang residente kung saan natagpuang wala ng buhay at wala na ding lamang-loob, na parang nilapa at kinain ng hindi pa matukoy na nilalang.
Nangyari ito sa Brgy. Navitas, Numancia, Aklan.
Ayon sa may-ari ng biik na si Delbert, bandang alas-9:00 ng gabi ng Miyerkules, Agosto 21, 2024 nang madiskubre ng may-ari na kanyang biik. Nagulat sya ng matagpuan ang alaga sa loob ng kulungan nito na putol ang katawan at wala nang mga lamang loob.
Bukod rito, may nakita ring dalawang butas sa leeg ng biik na tila sinisip umano ang dugo, at nawawala rin ang kalahati sa katawan nito.
Napag-alamang, dalawang araw pa lamang na nabili ni Delbert ang biik sa halagang P5,000
Dagdag pa ng kapitan na nakakapanindig balahibo umano sapagkat wala din aniyang nakitang kalat ng dugo sa loob ng kulungan.
Pinaalerto ngayon ng Kapitan ang lahat ng mga may alagang hayop kasunod ng naturang insidente.