PCG nangangalap na ng ebidensya para pabulaanan ang bintang ng China na Pilipinas ang angresibo sa insidente sa Escoda

Nangangalap na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga dokumento, larawan at video na gagamiting ebidensya upang pabulaanan ang bintang ng China na ang barko ng Pilipinas ang naging agresibo sa nangyaring banggaan sa Escoda shoal noong August 19.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Maritime Council Spokesperson Alexander Lopez, inaasahang ilalabas ito sa lalong madaling panahon.

Anya, responsibilidad ng pamahalaan sa publiko at sa international audience na ilabas ang mga detalye sa kung ano ang totoong nangyari.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kapag nailabas ang mga ebidensya, hahayaan nilang ang publiko ang mag desisyon kung sino sa dalawang panig ang nagsasabi ng katotohanan.