10th mpox case – nasa maayos na ang kalagayan

Nasa maayos na kalagayan ang pasyenteng naitala bilang ika-sampung kaso ng mpox sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Department of Health (DOH) Asec. Albert Domingo, sinabi nitong sa kasalukuyan, ay inaalam pa nila ang eksaktong status ng pasyente.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Tuluy-tuloy din umano ang tracing sa pinagmulan ng infection lalo na’t wala naman itong travle history.

Samantala, binigyang-diin din ng DOH ang pagkakaiba ng COVID-19 sa mpox.

Paliwanag nito na ang COVID-19 ay tangay ng hangin; habang ang mpox naman ay tangay ng balat at nakukuha sa pagkakaroon ng close at intimate contact.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Dahil dito, abiso ng ahensya na iwasan ang pakikipagdikit, at magsuot ng long sleeves upang maprotektahan ang balat, lalo na ng mga pumupunta sa mga matataong lugar.