Isang pasahero ng habal-habal, patay nang pumailalim sa bus sa EDSA northbound-Trinoma

Patay ang isang lalaking pasahero ng motorsiklo nang pumailalim sa pampasaherong bus ang kaniyang sinasakyan.

Ayon sa MMDA, naganap ang insidente dakong alas siete singkwentay dos kaninang umaga sa EDSA northbound-Trinoma.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kuwento ng driver ng motorsiklo, nagmamadali umano ang kaniyang pasahero kaya nagkasundo silang pumasok sa bus lane.

Biglaan silang pumasok sa linya kaya nasalpok paparating na bus.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Mahigpit naman ang paalala ng MMDA sa mga motorista at nagmomotor na huwag magpumilit na pumasok sa EDSA Busway dahil mapanganib at delikado.