Daan-daang residente sa Cebu, nasunugan

Maagang binulabog ng sunog ang mga taga Bugnay 2 Sitio Lutaw-Lutaw Brgy. Labangon, Cebu City nitong Sabado, Agosto 17, 2024.

Kaagad naman na naka-rescue ang mga bombero alas 06:39 at itinaas sa ikalawang alarma ang
sunog alas 06:43 bago tuluyang naapula alas 08:17 ng umaga.

Nasa dalawáng pû’t walóng bahay ang tuluyang naabo at 2 ang bahagyang napinsala.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Kaugnay nito 45 pamilya o isáng daán at walóng pûng indibidwal ang nawalan ng tirahan.

Umabot naman sa P1,320,000 ang danyos ng sunog.

Samantala, kaagad naman na isinailalim sa safe keeping ng Labangon Police Station ang isang Michael Villariasa na syang pinagbintangang dahilan ng sunog.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Mariin nyang itinanggi ang paratang ng kanyang mga kapitbahay at sinabing sa bahay ng kanyang ina nagsimula ang apoy at hindi sa bahay nilang mag-asawa.

Hindi rin umano nya kayang sunugin ang bahay kung saan sya nakatira maging ang kanyang asawa’t mga anak.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.