Paggamit ng improvised plate ng LTO vehicle sa Cebu, pinuna

Inulan ng samu’t-saring komento ang Facebook live video ng isang Cebuano vlogger nitong Biyernes, Agosto 16, 2024 kung saan ibinahagi nya ang kanyang concern hinggil sa pag-gamit ng “improvised plate” number ng Land Transportation Office (LTO) sa Medellin, Cebu.

Ipinakita ni Jeomar Cañete Unabia sa kanyang live video ang nasabing sasakyan at marami din ang nakasaksi ng i-call out nya ang isang tauhan ng LTO na nagtangkang pigilan sya pagla live.

Nabatid na nasa LTO satelite office sya sa nasabing bayan para i-settle ang kanyang violation dahil sa paggamit ng sasakyan na may sirang brake lights.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ngunit napansin nya na ang sasakyan ng LTO ay “improvised plate” number pala ang gamit kung saan, iilan umano sa naparoon ay may violation hinggil rito .

Kinabukasan, dumulog agad sa Brigada News FM Cebu at muling ikenwento ni Unabia ang nangyari.

Sinabi naman ni LTO-7 director Glen Galario sa interview ng isang local radio na ipapatawag nya ang dalawang panig.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nilinaw ni Galario na pinapayagan ang paggamit ng improvised plate number basta ito ay aprubado ng kanilang tanggapan.

Sa kanilang internal investigastion, titingnan din umano nila ang mga papers ng LTO Medellin ukol sa paggamit nila ng improvised plate number at kung tama umano ang ipinaglalaban ni Unabia, kakastigohin umano nya ang kanyang mga personnel.

Dagdag pa ni Galario, gagawa din sila ng legal na aksyon kung made-determina na may ‘malicious’ factor ang video ni Unabia.