Dalaga na naimpluwensyahan umano ng nobyo sa pagsha-shabu, kalaboso

Kalaboso ang isang 20-anyos na babae matapos makuhanan ng mga pakete ng pinaniniwalaang shabu sa buy-bust operation.

Nangyari ang operasyon pasado alas 12:00 ng madaling araw ng Biyernes, Agosto 16, 2024 sa Barangay Lorega San Miguel, Cebu City.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nakuha mula kay Alyas Cherry, residente ng Brgy. Tinago na itinuturing na street level individual drug personality ang 15 maliliit na pakete ng umanoy shabu.

Sinasabing naimpluwensyahan lang umano si Cherry ng kanyang nobyo na gumamit ng shabu at inuutusan din sya na bumili nito.

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Haharapin ng dalaga ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon, iniimebstigahan ng mga otoridad kung saan kumukuha ng supply ang nasabing arestado.