Abalos, pina-imbestigahan na ang pag-refill ng isang private pool gamit ang fire truck

Agad na ipinag-utos ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr. kay Bureau of Fire Protection Dircetor Louie Puracan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa di umano’y paggamit ng isang fire truck sa pang-refill ng isang private pool sa Taytay, Rizal.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Sa urgent memorandum na ibinaba ni Sec. Abalos, pinatutukoy din niya kay Puracan ang mga BFP personnel na sangkot at pinare-relieved muna sa pwesto habang gumugulong ang imbestigasyon.

Ayon kay Abalos, tiniyak niyang palaging handa ang BFP sa lahat ng sakuna.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Kasabay nito ang pagkondena ng anumang maling paggamit ng mga resources ng gobyerno, tulad ng paggamit ng mga fire truck para sa personal na layunin.
#