DILG, nagbabala sa mga prank callers sa E-911 emergency hotline

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na pananagutin nila ang mga susubok na mag prank calls sa E-911 service emergency hotline.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos. gumagamit Artificial Intelligence Technology ang E-911 hotline kung kaya’t madali nang matukoy kung sino ang tumatawag at malalaman din ang lokasyon ng prank caller.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Kaya rin aniyang matukoy kahit mga drop call o missed call kumpara sa dating sistema na mano-mano.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Ang mahuhuling mag-prank call ay mapaparusahan sa ilalim ng PD 1727 kung saan maaaring makulong ng hanggang limang taon ang suspek at penalty na aabot sa P40,000.