Singapore President Tharman Shanmugaratnam bilib kay two-time Olympic medalist Carlos Yulo

Hinangaan ni Singapore President Tharman Shanmugaratnam si Filipino gymnast Carlos Yulo dahil sa dalawang ginto na nasungkit nito sa 2024 Paris Olympics.

Ipinagmalaki naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tagumpay ni Yulo at ibinida rin niya ang pagbunyi ng mga Pilipino dahil sa karangalan nito sa bansa.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ibinida rin ng Pangulo sa Singaporean President ang halos dalawang oras na motorcade ng mga Olympians sa Lungsod ng Maynila na anya ay inabangan ng maraming tao para makita sina Yulo at iba pang atleta.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Si Carlos Yulo ang tanging atleta na nakakuha ng dalawang gintong sa Southeast Asia.