BINI Gwen nakikiusap sa mga fans na i-respeto ang kanilang privacy

Muling nanawagan ng respeto at privacy sa publiko ang BINI member na si Gwen Apuli matapos na malabag umano ang kanilang personal space at time.

Ayon kay Gwen, may ilang fans na kumakatok sa kanilang kwarto para magpa-picture.

Giit ni Gwen na nakakalungkot na ang ginagawa ng ilang fans at palala na nang palala ang nangyayari.

Sila na rin minsan ang nag a-adjust sa ibang fans pero sana ay respetuhin ang kanilang privacy at personal time.