Wi-nelcome ng Teachers’ Dignity Coalition ang tinitingnang pagbabalik ng Department of Education (DepEd) sa pagkakabit ng mga visual aids sa mga silid-aralan.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Teachers’ Dignity Coalition Chair Benjo Basas, sinabi nitong noon pa man ay hindi na sila kumbensido na dapat alisin ang naturang mga posters sa classrooms.
Sa kabila niyan, nilinaw ni Basas na may mga pag-aaral na nagsasabing wala namang pinagkaiba sa impact ang silid aralan na may learning posters at ang wala pagdating sa mga bata.
Dahil dito, iginiit niyang dapat ay hayaan na lang ang teacher na mangasiwa sa kanyang classroom at gawin kung ano sa palagay nito ang makabubuti para sa kanyang mga estudyante.