Davao City VM Baste Duterte, nagpositibo sa COVID-19

Inanunsyo ni Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa COVID-19 si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sa kanyang social media post, ibinahagi nito na sa ngayon, via video call muna ang pamilya at kumustahan nang malaman nilang positibo sa virus si Vice Mayor Baste.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Kasama rin sa naturang post ang screenshots ng video call ng pamilya.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Hindi naman malinaw kung kailan nagpositibo sa COVID ang nakababatang Duterte.

Sa gitna nito, wala ring pahayag na inilalabas ang bise alkalde. // MHEL PACIA-TRINIDAD