Cyber Response Team inilunsad sa Olongapo City

Inilunsad sa Olongapo City ang bagong Cyber Response Team sa pamamagitan ng City Government at ng City Police Office.

Ang team ay kinabibilangan ng mga law enforcement officers at cybersecurity professionals na sinanay umano sa mga makabagong technique sa pag-iimbestiga sa cybercrime.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Maliban sa pagtutok sa mga cyber-related offenses ay layon rin nitong maprotektahan ang publiko at mga negosyo laban sa online threats at iba pa.

Samantala, fully operational na umano ang team at handa na ring tumanggap ng mga reklamo mula sa Olongapo, Bataan at Zambales.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Inilunsad ito nakalipas na araw kasama ang RACU3, Olongapo City Police Office at City Mayor Rolen Paulino Jr.//Jen Bayot

Photo: Olongapo City Information Center