Mayor Sara Duterte-Carpio, hindi makakadalo sa huling SONA ng ama

Ibinahagi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi dadalo sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Roque, nagbigay na ng abiso si Mayor Sara na hindi ito makakarating.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Hindi naman sinabi ng kalihim ang dahilan ng alkalde kung bakit hindi ito makakadalo.

Sa kabila nito, inaasahan naman ng Palasyo na kung sino ang mga nakarating noong nakaraang taong SONA ay dadalo ngayong huling pag-uulat sa bayan ng pangulo.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag ni Roque, imbitado ang lahat ng miyembro ng Gabinete, at karamihan sa mga ito ay inaasahang makakarating.

Ang final SONA ni Duterte ay gaganapin sa Lunes, July 26. // MHEL PACIA-TRINIDAD