Palasyo: Duterte, ibabandera ang mga accomplishments sa final SONA

Inihayag ng Malacañang na asahan na ipapakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga improvements ng bansa simula nang maupo ito sa pwesto noong 2016, partikular na umano sa peace and security, maging sa foreign policies, sa kanyang final State of the Nation Address.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang alam umano niya sa magiging format sa SONA ng pangulo ay babalikan ang nakalipas na limang taon nang ito ay naging presidente at tututok sa mga improvements ng bansa sa social programs, infrastructure, peace and security, at foreign policy, at iba pa.

Sasagutin rin umano ni Duterte ang mga tanong na anu at kung saan na ngayon ang bansa at mga gagawin sa huling taon ng panunungkulan nito.

Pagbabahagi ni Roque, ngayong araw nang isagawa ni Duterte ang kanyang first rehearsal para sa kanyang SONA. // MHEL PACIA-TRINIDAD