3 drug suspek, tiklo matapos salakayin ng mga otoridad ang isang drug den.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong drug suspek

Ito’y matapos salakayin ng PDEA Bohol Provincial Office ang isang drug den sa Barangay Cogon, Tagbilaran City, Bohol gabi ng Lunes, Agosto 12, 2024.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa operasyon, arestado sina Alyas Dondon, 35-anyos at Alyas Jason, 38-anyos.

Nahuli naman sa akto ng mga otoridad ang kinilalang si Alyas Rommel na isang laborer.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Umabot sa P102,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu na narekober.

Nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga nahuling suspek.