PNP, pinagpaplanuhang maigi ang paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy

Pinagpaplanuhang maigi ng Philippine National Police ang paghahain ng warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy.

Ito’y upang hindi na maulit ang insidente noong June 10 kung saan ginawang human shield laban sa mga pulis ang mga babae at menor de edad.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, sinusubukan nila ang iba pang opsyon para maaresto si Quiboloy para hindi na magkasakitan muli at kanila naring pinaghahandaan ang magiging depensa ng mga supporters ni Quiboloy.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Una nang sinabi ni Davao Region police director Brig. Gen. Nicolas Torre III na may mga indikasyon na nananatili parin sa loob ng KOJC Compound sa Davao ng puganteng si Quiboloy.