Matagal na umanong napatawad ni 2-time gold medalist Carlos Yulo ang kanyang ina na si Angelica.
Ito ay sa gitna ng girian sa kanilang pamilya kung saan nagviral sa social media ang isang interview sa kanya, at sa umano’y paglimas sa pera ng anak.
Sa isang panayam – sinabi ni Caloy na matagal niya nang napatawad ang kanyang mga magulang.
Ang sa kanya lang aniya, personal nila itong problema at ayaw niya itong masyadong pag-usapan.
Focus raw muna ang pambato ng Pilipinas sa pagbibigay-pugay sa mga Pilipinong atleta na lumalahok sa 2024 Paris Olympics.
Gusto umano niyang i-celebrate ang mga pinaghirapan at nakamit ng kapwa niya atleta.