Mga suspek sa pagkasawi ng mag-inang balikbayan, naaresto sa Tayabas City

Arestado ang mga suspek sa pagkasawi ng Japanese National na si Mai Motegi at ina nito na si Lorry Litada matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Tayabas City nitong Martes, Agosto 6.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nitong Agosto 5, nadakip ang mga suspek na sina alyas “Ligaya”, 54-anyos at alyas “Charlie”.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Matatandaan na noong Marso 14, 2024, nahukay ang labi ng mag-ina sa isang subdivision sa Tayabas City.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Lumabas din sa imbestigasyon na noong Pebrero 21 ay pinaslang umano ng mga suspek ang mag-ina at inilibing sa bakuran ng kanilang bahay.

Sa ngayon, nakadetine ang mga suspek sa Tayabas City Police Station para sa kasong Murder.