Government health workers, sumugod sa tanggapan ng DBM para singilin ang Pangulo sa umano’y hindi sapat na umento sa sahod

Hindi sapat ang inisyung umento sa sahod! Yan ang sigaw ng mga government health workers nang sumugod sila sa tanggapan ng Department of Budget and Management ngayong araw.

Sa isinagawang rally, sinabi ni Robert Mendoza, National President ng Alliance of Health Workers, na hindi sapat sa pang araw-araw na pamumuhay ang P530 na naaprubahang sahod.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag pa ni Mendoza, bagama’t naglabas na ng P27 Billion ang DBM para sa Health Emergency Allowance ng health workers, hindi pa umano nakakatanggap ang ilang manggagawa sa ilang local government unit at pribadong ospital.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Bukod sa P33,000 na entry salary, panawagan din ng health care workers ang performance based bonus nila na dapat 2021 pa natanggap.