US Coast Guard – ru-mescue na sa oil spill response

Nakarating na sa bansa ngayong araw ang mga tauhan ng U.S. Coast Guard (USCG) at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) sa Incident Command Post ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Limay, Bataan.

Ito ay upang makatulong sila ng PCG sa operasyong pag-contain ng oil spill dulot ng lumubog at sumadsad na mga barko.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ang mga miyembro ng USCG at NOAA ay inaasahang makapagbibigay ng technical assistance sa recovery operations ng PCG.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Mababatid na sunod-sunod ang nangyaring insidente kung saan lumubog ang MT Terranova na naglalaman ng 1.4M liters ng industrial fuel; ang paglubog din ng MTKR Jason Bradley na may dalang 5,500 liters ng diesel; at pagsadsad naman ng MV Mirola 1.