May-ari ng MTKR Terranova, pinabulaanang sangkot sila sa oil smuggling

Tinugunan na ng Portavaga Ship Management Inc. ang mga alegasyon na sangkot sa oil smuggling ang lumubog nitong MT Terra Nova sa Bataan.

Nauna nang sinabi ng Department of Justice at Department of the Interior and Local Government na posibleng sangkot sa oil smuggling ang barko, pati na rin ang MTKR Jason Bradley at ang grounded MV Mirola 1.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ngunit pinabulaanan ito ng tagapagsalita ng Portavaga Ship Management Inc. na si Atty. Leonell Mojal-Infante.

Aniya, simula nang itatag ang kumpanya noong 2003, nakipagtransaksyon na lamang sila sa mga kilalang kumpanya ng langis at hindi kailanman nasangkot sa smuggling.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa nito, handa ring harapin ng mga opisyal ng kumpanya ang anumang imbestigasyon dahil mayroon silang kumpletong permit, lisensya, at sertipiko mula sa Philippine Coast Guard, Maritime Industry Authority, at Philippine Ports Authority.