Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Marbil na ibabalik nila ang 75 security detail ni Vice President Sara Duterte, partikular ang mga pulis na taga-Davao.
Ito’y matapos hilingin ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa isang Senate hearing kahapon.
Ayon sa hepe ng PNP, tinanggal ang 75 na pulis sa Bise Presidente bilang parte ng pagsasaayos ng kanilang deployment.
Dagdag pa nito, may natitira pang 31 pulis si Duterte sa kanyang security detail, bukod pa sa 358 tauhan ng Armed Forces of the Philippines.
Iginiit din ni Marbil na wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ni Duterte, batay sa pagsusuri ng Presidential Security Command.