COMELEC chairman Garcia, naniniwalang ‘misinformed’ lang si Cong. Marcoleta

Naniniwala si Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na misinformed lang si SAGIP party-list Representative Rodante Marcoleta matapos ang mga alegasyong panunuhol laban sa kanya.

Ayon kay Garcia, kabutihan pa rin ang kanyang nakikita sa Kongresista dahil bukod sa naging kliyente niya ito, ay matapat niya ring kaibigan si Marcoleta.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Ngunit sa kabila nito, umaasa siyang matignan pang mabuti at ma-review ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nauna nang kinuwestiyon ni Marcoleta ang paggawad ng P18-bilyong automated election contract sa isang joint venture ng Comelec sa Miru Systems, sa gitna ng umano’y pagkakaroon ng 49 offshore bank accounts na tumanggap ng pera mula sa mga bangko sa South Korea.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Iniugnay din si Garcia sa dalawang offshore bank account sa Cayman Islands na umano’y nakatanggap din ng mga cash deposits.