Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi kasama ang mga uniformed personnel sa dagdag sahod ngayong taon.
Ayon sa Presidential Communications Office, nakasaad sa section 2 ng Executive Order no 64 na tanging mga civilian government personnel lang ang sakop ng salary adjustment.
Maliban sa mga uniformed personnel, hindi rin kasama ang mga job order, contracts of service at ang mga nasa consultancy o service contracts na walang employer-employee relationship.
Nabatid na magiging epektibo ang taas sahod ng mga government employee, labinlimang araw matapos mailathala sa official gazette ang naturang EO.