Lalaki sa Alicia, Isabela, arestado matapos masamsaman ng iligal na baril

Isinilbi kahapon, ika-apat ng Agosto ng Isabela Police Provincial Office ang warrant of arrest sa isang lalaki sa Barangay Mabini, Alicia, Isabela bilang bahagi ng kampanya ng kapulisan kontra loose firearms.

Read More:  3 dead, 15 injured in Cotabato shooting near polling precinct

Ang naaresto ay kinilalang si alyas Rommel kung saan nakumpiskahan ito ng isang unit ng caliber 38 na may tatlong bala.

Read More:  Drug peddler arrested, P1M marijuana seized in Davao City

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa naaresto na ngayo’y nasa kustodiya ng Alicia Police Station.