Supply ng isda minominitor ng BFAR Bicol kasunod ng pinsala ng Oil Spill sa Bataan

NAGA CITY- Kontrolado na ang sitwasyon sa Bataan  kasunod ng oil spill ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol base sa impormasyon nila mula sa central office, pero nakamonitor ang opisina sa supply na dinadala sa mga merkado lalo na sa Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay BFAR Bicol Spokesperson Weng Briones, binanggit na nakikipag ugnayan sila sa mga counterparts sa mga apektadong lugar upang kung hindi na magandang ang kalidad ng ilang produktong dagat ay hindi na madala pa sa rehiyon.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Saoil spill bulletin ng BFAR nakasaad na  ang mga isda na nakolekta mula sa mga lugar sa Region 3, CALABARZON at National Capital Region matapos ang oil spill sa Bataan ay hindi na magandang kainin ng publiko. Mayroong bahid ng petrochemical sa mga sample ng isda na nakolekta mula sa Noveleta at Rosario sa Cavite.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang abiso ay upang masiguro ang kaligtasan  ng kakain ng isda at iba pang produktong dagat.