Kasunduan ng DENR at limang LGU sa Nueva Vizcaya, pinaigting upang protektahan ang Sta. fe river

Pinaigting ng DENR Region 2 sa pamamagitan ng Provincial Environment and Natural Resources Office ang kasunduan nito sa limang Local Government Unit upang mapangalagaan at maprotektahan ang Sta. Fe River.

Pumirma si DENR Cagayan Valley Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan at mga alkade ng Santa Fe, Aritao, Dupax Del Sur, Dupax Del Norte at Bambang ng isang Memorandum of Agreement.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Layunin nitong maaksyunan ang pagprotekta sa mga ilog upang maiwasan ang polusyon at degradation sa mga riverbanks.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Sa ilalim ng kasunduan ay pangungunahan ng DENR ang pagsasagawa ng Information Education and Communication, clean-up drives, pangongolekta ng water samples at implementasyon ng environmental laws upang mapaganda ang kalidad ng tubig sa nasabing ilog.