Pagdami ng turista ngayong Peñafrancia Fiesta, inaasahan na sa Naga City

NAGA CITY –  Puspusan na ang paghahanda ng LGU-Naga sa paparating na Peñafrancia Fiesta Activities ngayong paparating na Setyembre na kung saan bubungad sa unang linggo pa lang ay mga programa at aktibidad na kabilang na ang Miss Bicolandia Swimsuit and Evening Gown Competition sa Sabado Setyembre 7.

Nagpapatuloy na din ang pagme-meeting ng Naga City Police Office, Public Safety Office, Miss Bicolandia Executive Committee at iba pang concern local government agencies na kabilang sa paghahanda ng mga magiging aktibidad tulad ng inaabangang Military Street Parade Competition at iba pang makukulay na programa.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa panig naman ng komitiba ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Committee on Tourism sa konseho, inaasahan nila ang lalo pang pagdami ng mga turista sa lungsod na sa huling linggo pa lamang ng Agosto ay inaasahan na ang pagdating para magpa book sa mga hotel, gumala na sa mga resorts at tikman ang mga kakaning gawa ng Bicol, kabilang na ang noodle dish na Kinalas.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil