Kaso ng Dengue sa Bicol, tumaas; 7 katao namatay sa sakit

BFNM Bicol-TUMAAS nang 40% o 715 ang mga kaso ng mga tinamaan ng sakit na Dengue sa buong rehiyon ng Bicol batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Bicol.

Ang datos ay naitala simula Enero hanggang Hulyo 13 ngayong taon mataas sa 512 na naitala sa kaparehong peryudo nitong 2023.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Dahil dito ang lalawigan ng Camarines Sur ang may pinakamataas na naitalang kaso na sumampa sa 248, pumangalawa ang Camarines Norte na may 170, Albay na may 67, Sorsogon na may 62, at Masbate na may 43.

Samantala, umabot na sa 7 ang naitalang namatay sa dengue  mula sa mga lalawigan ng Sorsogon na may 3, Cataanduanes na may 2, habang tig-isa naman ang Camarines Sur  at sa lungsod ng Legazpi sa Albay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Patuloy ngayon ang pagpapaalala ng DOH na sumunod sa kanilang ipinapatupad na hakbang para mapuksa ang pinamumugaran ng lamok na may dengue para hindi na mahawa ng naturang sakit. ### ### KENNETH BERMIL