Mas malaking pondo para sa fuel subsidy sa mga magsasaka, mangingisda – isusulong sa susunod na taon

Sisikapin ng House Committee on Appropriations na madagdagan ang pondo ng Department of Agriculture para sa fuel subsidy program sa mga magsasaka at mangingisda sa susunod na taon.

Ayon kay Committee Vice Chairman at Navotas Representative Toby Tiangco, sa harap ito ng pabagu-bagong presyo ng produktong petrolyo.

Nais nitong mabigyan ng atensyon ang mga kapos na magsasaka at mangingisda pagdating sa subsidy programs upang hindi na gaanong makaapekto sa kanilang kabuhayan at presyo ng langis.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Suportado rin ng kongresista ang pag-apruba sa “Ayuda funding” sa ilalim ng 2025 proposed national budget kung saan nasa 253.3 billion pesos ang alokasyon sa iba’t ibang social protection programs.

Makikita umano ang pagpapalawak ng gobyerno sa mga benepisyo at tulong na natatanggap ng mga Pilipinong nangangailangan.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Una nang inanunsyo ng DSWD na 35.1 billion pesos ang ilalaang pondo sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances Program at 4.4 billion pesos sa Sustainable Livelihood Program.

Punto ng mambabatas, marapat na suportahan ng Kongreso ang inisyatiba dahil malinaw na mayroong short at long-term efforts tungo sa pagsugpo sa kahirapan.