Lingig sa Surigao del Sur – niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

Niyanig ng Magnitude 6.8 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro nito sa layong 66km silangan ng Lingig, Surigao del Sur.

Mababaw ito sa 9kilometers, at tectonic ang origin.

Wala namang nilabas na tsunami warning ang PHIVOLCS.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Naramdaman ang Intensity V sa Lingig, Hinatuan, at Bislig City sa Surigao del Sur; Rosario sa Agusan del Sur; at Maco at Monkayo sa Davao de Oro.

Intensity IV naman sa Nabunturan sa Davao de Oro; at sa Davao City.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Intensity III sa Don Marcelino, Davao Occidental; Inabanga, Bohol; at Baybay City sa Leyte.

Intensity II naman ang naitala sa Mambajao, Camiguin; Sogod, sa Southern Leyte; Cotabato City; at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Matapos ang naturang pagyanig, naramdaman din ang sunud-sunod na aftershocks na naglalaro sa magnitude 4.2 hanggang 5.5.