Nagpapatuloy ang kapulisan sa paghahanap sa mga suspek na bumaril sa isang senior citizen nitong biyernes, Agosto 02 sa Alaska, Barangay Mambaling, Cebu City pasado alas 03:00 ng madaling araw
Kinilala ang biktima na si Victor Agilon, anim na put pitong taong gulang na nagtamo ng sugat ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan.
Ayon sa asawa ng biktima na si Arsenia Jumao-as, 70-anyos, inuutusan umano ng kung sino sino ang biktima sa pagbili ng ipinagbabawal na gamot kapalit ng suhol .
Bago pa mangyari ang pamamaril, narinig nya na may tumawag rito at nagpapabili ng iligal na droga ngunit tinanggihan umano ito ng biktima.
Sa imbestigasyon ng kapulisan, dalawang lalaki ang suspek na nakasuot ng puting t-shirt at short na kaagad ring nagsuot ng jacket habang pa-exit sa sea wall ng nasabing lugar.
Kinumpirma rin ng Mambaling Police Station, na ex-convict ang biktima at drug-related ang isa sa kanilang mga tinitingnang anggulo subalit patuloy pa ang imbestigasyon.