DOJ – hindi pipigilan ang Interpol sa paghahain ng warrant sa mga opisyal na sangkot sa drug war ng nagdaang administrasyon

Iginagalang ng Department of Justice (DOJ) ang aksyon ng Interpol.

Ito ang sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa madugong war on drugs campaign ng nagdaang administrasyon.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Ayon kay Remulla, ‘We’re not in the business of blocking the Interpol.’

Maaari aniyang mag-request ang ICC sa Interpol para magpatupad ng order.

Samantala, kinumpirma rin nito na mayroong request mula sa ICC prosecutor para interviewhin ang mga high-ranking police officers na ‘under suspicion’ dahil sa naturang kampanya.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Sa kasalukuyan, hindi pa umano nila napapag-usapan ng Pangulo ang anggulo ng Interpol sa imbestigasyon ng international court.