SINAG, nanidigang dapat na munang ayusin ang protocol sa roll-out ng aprubadong ASF vaccine

Idiniin ni SINAG Chair Engr. Rosendo So na dapat magkaroon ng maayos na protocol sa bagong bakuna na nakuha ng bansa sa Vietnam laban sa African Swine Fever.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ito ay kasabay ng inaasahang pagro-roll out ng ASF vaccine.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay So, sinabi nitong protocol ang dapat ayusin.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Noon raw kasi, walang abiso mula sa local veterinary at lokal na pamahalaan nang magsagawa ng mga testing.

Samantala, palagay naman si So na hindi pa maaring magkaroon ng mass vaccination.