Dalaga, biktima ng pananaksak habang naliligo, suspek arestado

Nasa kostudiya na ngayon ang suspek na sumaksak sa dalagita habang naliligo sa sapa sa Sitio Tanigiban, Barangay Tagasilay, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinilalang si Robelyn Lagrama, 19-anyos na inatake ng suspek na si Rolly Ladesma Enriquez Jr. 17-anyos.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Base sa imbestigasyon, habang naliligo sa sapa ang biktima, lumapit ang suspek dala ang improvised na kutsilyo at nagbanta na papatayin siya sabay ang pagsabi na “siya ay adik”.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Tinulak niya ang biktima sa tubig sabay umpog sa ulo nito sa bato, at sinaksak ngunit nakatakas ang biktima.

Agad na naaresto ang suspek matapos makahingi ng tulong sa mga taga barangay. Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang biktima sa pagamutan.