Oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova, maaring umabot sa Batangas simula ngayong araw

Inihayag ng University of the Philippines – Marine Science Institute na maaaring umabot sa Batangas ang oil spill na dulot ng MT Terra Nova.

Sa pinakahuling projection nito, maaaring makarating ang tumagas na langis sa baybayin ng Lian mamayang alas-6 ng gabi.

Read More:  LTO revokes Niño Muhlach’s driver’s license for two years over Antipolo crash

Habang inaasahan namang makakarating ang oil spill sa Calatagan bukas ng alas-9 ng umaga.

Read More:  Pulong hits back at Korina over Davao City progress

Paalala ng UP-MSI, layunin ng kanilang projection na ipaalam sa publiko ang potensyal na direksyon ng oil spill at tumulong sa direktang pagtugon ng pamahalaan.