Diarrhea cases sa Bacacay, Albay, kontrolado na

LEGAZPI CITY – Kontrolado na ngayon ang diarrhea cases na naitala sa mga buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon sa Bacacay, Albay ayon sa Rural Health Unit.

Ayon sa Albay Provincial Health Office, natanggap nila ang ulat mula sa RHU Bacacay nito lamang nakaraang lingo tungkol sa mga kaso ng diarrhea sa Barangay Napao, kung saan inihayag nitong kontrolado na ito.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ayon sa ulat, unang nagsimula ang mga kaso nitong Hunyo 23 na agad namang sinubaybayan ng nasabing barangay, ngunit nasundan ito ng parehong mga kaso nitong Hunyo 24, 28, at ang natitirang mga kaso ay naitala nito lamang buwan ng Hulyo.

Ayon sa RHU Bacacay, ang lahat umanong mga pasyente na may kaso ng diarrhea ay naka-recover na. Samantala, ibinahagi naman ng Provincial Sanitation Team sa pamumuno ni Rural Sanitation Inspector Anthony Ludovice na mahigpit pa rin ang monitoring ng PHO bilang paghahanda sa posibleng resurgence ng nasabing mga kaso.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Dagdag pa rito, kamakailan lamang ay nagsagawa ng technical assistance training ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) sa pamumuno ni PESU Officer Jan Edmund Dominic Bailon.