Mga paaralang ‘di nakasabay sa school opening ngayong araw – puwedeng mag-makeup class – Sec. Angara

Maaari umanong magkaroon ng Saturday classes ang mga paaralang hindi nakapag-balik-eskwela ngayong araw.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara – sa huli nilang datos ay aabot sa 840 na mga paaralan ang hindi nakapagbukas ng eskwela.

Katumbas daw ito ng mas mababa sa 2% ng mga paaralan sa buong bansa.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Aniya, maaari raw mag-make-up class ang mga paaalang ito t’wing Sabado.

Kung maaalala, may mga paaralang piniling sa August 15 na lang magpasukan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Bunsod ito ng pinsalang dahil sa nagdaang Bagyong Carina at Habagat.

Mayroon ding ilang paaralan na nagsisilbi pa ring evacuation centers.

Sabi pa ni Angara – mayroong pondo ang DepEd na nagkakahalaga ng hanggang P3Billion para sa repair ng mga paaralan.