Pumalo pa sa P4.5 milyon ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.
Sa ulat ng National Disaster Eisk Reduction and Management Council, katumbas ito ng 1.2 milyon families affected mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Mula sa nabanggit na bilang ng mga apektado, 152,800 individuals o katumbas ng 38,292 ang pansamantalang nanunuluyan 848 evacuation centers.
Samantala, pumalo na sa tatlumput anim na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa sama ng panahon
14 dito ang kumpirmado habang 22 naman ang for validation pa.
Sa nasabing bilang 15 ang mula sa NCR, 10 sa CALABARZON, 4 sa Region 9, tig 2 sa Region 3 at BARMM habang tig iisang naitalang nasawi mula sa Regions 1, 10 at 11.
6 ang naitalang sugatan at 3 ang naiulat na nawawala.