Pangulong Marcos, nagsagawa rin ng aerial inspection sa Central Luzon

Sa Gitnang Luzon naman nag-inspeksyon si Pangulong Bongbong Marcos upang alamin ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyong Carina at Habagat.

Kaugnay nito, nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa Bataan, Pampanga at Bulacan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinundan ito ng situation briefing sa Bulacan kung saan iniulat ng tatlong local chief executive ang update sa kani-kanilang mga probinsya.

Parehong iniulat ng tatlong gobernador na maliban sa mga lugar na lubog sa baha, bilang ng mga pamilyang apektado ng sama ng panahon, iisa ang problema nila sa mga pananim dahil halos sabay-sabay lang daw na nagsimula ang planting season sa kanilang mga lalawigan nang nanalasa ang bagyong Carina at Habagat.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte