PCG, pinaghahandaan na ang posibilidad na maka-abot sa Manila Bay ang oil spill sa Bataan

Pinaghahandaan na ng Philippine Coast Guard ang pinangangambahang makaabot sa Manila Bay ang paglawak ng oilspill sa Bataan.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, ang oil spill ay hindi muna sa industrial fuel cargo kundi sa makina ng lumubog na Motor Tanker Terra Nova.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Mababatid na lumubog nitong Huwebes ang tanker na may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa Limay, Bataan.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Target ng PCG na maglagay ng mga floating barrier para mapigil ang oil spill.