Karen Davila, nagsilata na matapos batikusin ng fans ng isang P-pop group

Nagsalita na ang batikang broadcaster na si Karen Davilla hinggil sa kanyang nag-viral na pahayag tungkol sa P-pop group na BINI.

Nangyari ang pangba-bash matapos magkomento si Karen na “Ang galing ng BINI. At saka maganda dun, ang Kpop sikat sa buong mundo, maganda yung BINI na silang magbubukas ng pintuan para sa Ppop”

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Ang pahayag ni Karen ay tila hindi nagustuhan ng ilang fans ng Ppop group na SB19.

Depensa ng A’TIN (tawag sa fan base ng SB19), ang SB19 ang tunay na nagbukas ng pintuan para makilala ang Ppop sa international music scene.

Ayon naman sa mamamahayag, alam niya na ang SB19 ang unang nagbukas ng Ppop sa international scene na hindi na mabubura sa kasaysayan ng music industry.

Read More:  Gerald Anderson focused on building the life he wants for the future

Ang nais sabihin lang umano sabihin ni Karen ay kung nagawa ng SB19 na makilala bilang boy group, maaaring magkaroon din ng Ppop gril group na makikilala sa ibang bansa sa katuhan ng BINI.

Hindi rin aniya kailangan pagkumparahin ang dalawang grupo dahil parehas silang nagbibigay dangal at karangalan sa Pilipinas.