Eid’l adha, masayang ipinagdiwang ng muslim community sa Cauayan City sa kabila ng pandemiya

Masayang ipinagdiwang ng Muslim Community sa Cauayan City ang Eid’l Adha sa kabila ng nararanasang pandemiya.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Fahad Kalaw, ang vice president ng Isabela Muslim Federation, pagkatapos ng kanilang ginawang pagsamba ay naghanda sila ng munting programa para sa mga kabataan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sentro pa rin aniya ng kanilang panalangin ang mawakasan na ang COVID-19 pandemic at maproteksyunan ang lahat mula sa nakamamatay na virus.

Hindi rin muna hinayaang makadalo sa pagsamba ang mga bata dahil sa umiiral na health protocols ngunit tiniyak nilang ipinatupad ang minimum health standards.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Pagkatapos ng pagsamba ay nagsagawa ng pasiklaban para sa mga bata kaugnay sa kanilang mga napag-aralan sa kanilang pananampalataya.

Bagaman malayo aniya sa nakagisnan na tradisyon ang pagdiriwang ngayon ginunita pa rin nila ng mga kapatid na Muslim nang may pagpapasalamat at nagkaroon ng salu-salo ang bawat samabahayan.