Mga nanalo sa PantawidDokyu: A 4Ps Video Documentary Contest ng DSWD Bicol, inilabas na

BNFM Bicol-INILABAS na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol ang tatlong mga dokumentaryo na nagwagi sa kanilang PantawidDokyu: A 4Ps Video Documentary Contest.

Nakuha ang unang gantimpala ng dokumentaryong TAHI: Ang kwentong tagumpay ng Pamilyang Astibe ng La Purisima, Nabua, Camarines Sur, na may nakakuha ng 89.11%, pumangalawa ang ‘Kwento ng pag-asa sa pagtatapos sa programa’ mula sa bayan ng Daet, Camarines Norte, na may iskor na 83.33% at nakuha naman ang ikatlong puwesto ng bayan ng Donsol, Sorsogon sa kanilang dokumentaryong pinamagatang Ang Pangaturugan ni Marcel Opiana na mayroong 83.33%.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang mga nabanggit na mga dokumentaryo ay kumakatawan sa pagsasakripisyo at ipinapakita rin nito ang tagumpay ng mga miyembro ng 4Ps sa buong rehiyon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala gaganapin sa Setyembre 12, 2024, sa Legazpi City, Albay ang paggawad ng parangal sa mga nanalo. #### KENNETH BERMIL

Image: DSWD Bicol