Flight sa Cauayan City Airport patungong Metro Manila, kanselado

Pansamantalang kinansela ang Cebu Pacific Air Flights sa Cauayan City Airport dahil lubog sa baha ang Runway ng Manila Ninoy Aquino International Airport bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa lungsod ang mga apektadong flight ay ang naka-schedule ng 9:30 – 10:35 am na biyaheng Manila patungong Cauayan City.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kanselado rin ang biyaheng Cauayan City patungong Manila na naka-schedule ngayong araw sa oras na 11:25 am hanggang 12:35 pm.

Manatiling updated at antabayanan ang mga susunod pang pabatid.