Bagyong CarinaPH – bahagya pang lumakas; Ilang areas – nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2

Bahagya pang lumakas ang taglay na hangin ng Bagyong CarinaPH.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, nasa typhoon category na ito, taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 140 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng 170 kilometro kada oras.

Huli itong namataan sa layong 320 kilometro, silangan ng Basco, Batanes; ‘o 405 kilometro, silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Kumikilos ito sa diresyong pa-hilagang kanluran sa bilis an 15 kilometro kada oras.

Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.

Signal Number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islans, eastern portion ng Isabela, northern portion ng Apayao, northern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Aurora, Polilo Islands, Calaguas Islands, at northern portion ng Catanduanes.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Inaasahan namang magdadala pa ito ng malalakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon hanggang sa Huwebes.

Posibleng sa Huwebes pa ito ng umaga makalalabas ng Philippine Area of Responsibility.